diary of a kmnist

Thursday, October 13, 2005

CPR
-medel

sige!
busalan mo
ang mga bibig
ng tunay na kalayaan.
buwagin mo
ang mga katawan
na puno
ng latay ng iyong kasinungalingan
at patayin mo
ang sinimulan nila Bonifacio.
dahil
kung hindi mo sila uunahan
ay bubusalan nila
ang iyong bibig
nang di ka na makahinga.
bubuwagin nila
ang mga katawang pumuprotekta
sa kasinungalingan mo
at papatayin nila
ang mga lahi
ng umahas kay Bonifacio.

sige,
unahan mo na sila.
dahil lalo mo lamang
pinaiikli ang oras mo.
otom 6:32:00 PM

1 Comments:

nalaala ko tuloy ka medel ng tanauan natuanay silang dilawan nagpagamit sila mayaor corona na di nila cila singilin sa utang ng ambulong sana dumami tulad nyo kayo aking inanayahan ko d2 tanauan anumang oras para sa expodure edi sa mga taong aking inorganise mainit na pagbati-------+? ka ariel health st

Add a comment