Thursday, April 28, 2005
LAGANAP ANG BULUNG-BULUNGAN
Gelacio Guillermo
Laganap ang bulung-bulungan
Tungkol sa diskontento ng mga manggagawa.
Kung anuman ang balak nilang gawin
Ay hindi pa alam, pero sila'y di matahimik.
Pagod na sila sa kanilang kalagayan
Alam nilang magbanat man nang todo
O magpakatanda sa trabaho, walang mahihintay
Na mas mabiyayang panahong kikislap sa magrasa nilang mukha.
Walang nababago sa kanilang dukhang buhay
Habang sa pabrika'y nagtataguan ang bago't malalaking gusali
At umaandar ang magagarang makina, itinataboy
Ang datihang manggagawang lalo ngayong magugutom.

otom 4:30:00 PM
1 Comments:
wow, pare, okey 'to, 'di ito alam ng mga tao, talagang makabago 'tong pagsusulat na ginagawa niyo dito, 'di ito nakagawian, 'di ito tipikal, at isa pa: binabasa ito ng madla!! paano niyo ito nagagawa? ano ang sikreto?